Dakila

legs5bIsa ako sa mga ordinaryong tao na medyo huli na ng magising sa
kamunduhan, Ngunit ng ito ay aking masumpungan, siksik, liglig at
umaapaw naman. He he he

Itago nyo na lang ako sa pangalang DAKILA.

Ako ay lumaki sa isang Bayan ng Bulacan, kung saan ako nagkaroon ng
maraming masasayang ala-ala, subalit pagkatapos ko ng Third Year, ay
inilipat ako ng tatay ko sa Legaspi City kung saan ko ipinagpatuloy ang
aking pagaaral, Nalungkot ako, subalit dahil sa kagustuhan kong
makatapos ng pagaaral, tiniis ko na lang ang lungkot, mantakin mo Ba
naman, maliban sa wala kang kakilala, eh, hindi mo pa sila maintindihan,
at palibhasa Tagalog lang ang alam mong salita, eh, mayabang din ang
dating mo sa kanila.

Nagbago ang lahat ng makilala ko si Ate Nymph. Anak siya ng aking land
lady. Dati siyang Radiologist sa Riyadh, Saudi Arabia.

Nagsimula ang lahat ng minsan sa aking pakikipanood ng T.V. sa bahay ng
aking kahera, eh may lumapit sa aking bata, si Deliz. Napakagandang
bata niya, kaya ako ay naaliw dahil kaya pala siya lumapit sa akin, ay
para magpakalong dahil inaantok na siya, laking gulat niya ng hindi pala
ako ang Tito Dyako niya, pero kinandong ko na rin siya at makalipas ang
ilang minuto eh mahimbing na siyang natutulog. Ang siste, eh, tapos na
ang palabas at wala pa rin ang aking kahera, hindi ko naman pwedeng
ilatag ang bata sa sofa dahil baka mahulog ito, wala pa naming tao. Ang
ginawa ko, eh dahan dahan akong tumayo, habang karga karga ko si Deliz
tapos pumunta ako sa katabing tindahan para mang tanong kung nakita ba
nila ang aking kasera. Walang nakakaalam kung nasaan siya kaya ang
ginawa ko na lang ay ipinasok ko sa kwarto ko ung bata saka duon
inilatag, tapos haghintay ako sa labas… Ang kwarto ko kasi eh nasa
gilid ng bahay, bale, napapagitnaan ako ng bahay ng kasera ko at ng
tindahan, at may sarili akong pinto. Sa may tindahan na lang ako
tumambay upang paminsan minsan eh masilip ko kung ano ang lagay ng bata,
at Makita ko rin kung paparating na rin ang aking kasera.

Hindi ko namalayan ang pagdating ng aking kasera dahil napaidlip ako sa
mesang nasa harap ng tindahan, ginising niya ako, sabi niya “Bakit ka
diyan natutulog?”. “Hinihintay ko kasi kayo eh!! Ung apo nyo kasi, eh
nakatulog habang kandong ko, hindi ko naman inilatag sa sofa dahil baka
mahulog kaya dun ko na lang inilatag sa kama ko.” “Naku, diyaskeng bata
talaga yan!” “hanap kami ng hanap eh nandito lang pala!”, sabay pasok
niya sa kwarto ko at kinuha ang naalimpungatang bata.. “Salamat ha!!
Pati tuloy ikaw eh napuyat…” nahihiyang sabi niya sa akin. “Wala ho
yon.” Mabilis kong sagot sabay pasok sa aking kwarto para magpahinga na,
paglatag na paglatag ng likod ko sa kama, tulog agad ako…

Nagising na lang ako nang magaagahan na kami, nasa kusina pa ang kasera
ko, nagluluto ng itlog, at tuyo, ako naman eh dumiretso na sa banyo para
maligo sandali bago kumain. Bale kasi, kasama sa buwanang bayad kong
3,500 ang almusal at hapunan. Pagkatapos kong maligo, nagbihis kaagad
ako dahil mahuhuli na ako sa klase ko. Nasa harap lang ng boarding
house ko ang aking pinapasukan, kaya walang problema sa traffic. “Good
Morning!” bati ko sa aking kasera. “Gud Morning din!” sagot niya
naman. “Hala! Kain na at mahuhuli ka na sa klase” buyo niya sa akin.

Leave a Reply