Init sa Baguio

Pagkaraan ng anim na oras ay nakarating na sa terminal ng bus ang sinasakyan ni Willy. Agad nagtext ito sa tita Malou niya upang sunduin siya. Sana pala ay maaga niyang nai-text ito para hindi na siya maghihintay sa terminal.

Willy (text): “Tita nandito na ko s terminal ng bus. Ntay n lang kta.”

Biglang nagring ang phone nito at agad naman niyang sinagot.

Willy: “Ta dito na me.”

Malou: “O sige malapit lang ako kase galing ako sa grocery.”

Sabay hang ng phone. Naisip niya na sana ay mamukhaan nila ang isat-isa dahil nakalimutan niyang i-describe ang sarili sa tiyahin. Unti-unting naubos ang mga pasahero sa waiting area at marami na rin mga tao ang dumating para sumundo o umalis.

Tumunog ang cellphone si Willy nang makatanggap ito ng text message.

Malou (text): “San k d2 nq”

Tinawagan na lang ito ni Willy para masabing nasa waiting area siya. Wala pang isang segundo ay meron siya nakitang matandang papalapit sa kinauupuan niya.

Willy (pabulong): “Si tita Malou siguro ito kase may hawak na nagriring na cellphone.”

Malou: “Willy?” (kumakaway)

Willy: “Tita!”

Sinalubong ni Willy ang tita nito sabay halik sa pisngi. Hinawakan siya sa magkabilang balikat nito at pinagmasdan mula ulo hanggang paa.”

Malou: “Laki mo na ah, mamang-mama ka na di tulad ng dati totoy ka pa. Basketball player ka ba?”

Willy: (umiiling) “Di po tita, kaw naman seksi pa ren.”

Malou: “Seksi? Gutom ka na ata, eto ngat nananaba walang ginawa kundi kumain ng kumain.”

Malou: “O sya kunin mo na gamit mo at lagay mo na sa dun kotse.”

Sumakay sila sa lumang gray na Nissan Sentra at nagtungo pauwi sa bahay ni Malou.

Malou: “Kamusta naman si kuya at si mama mo?”

Willy: “Ayun, ok naman po sila. Si papa busy sa business at si mama naman po inaalagaan si lola.”

Malou: “Ganun ba? Pareho pala kame kaya lang nanay ni tito Ato mo eh inuwi ko na sa Maynila at hindi na kaya dito sa Baguio. Si ate Alice na bahala kay nanay.”

Malou: “O eto na tayo, tagal mo na hindi napupunta dito ah.”

Willy: “Wow tita gumanda pa lalu ang bahay from what I remember.”

Malou: “Yeah, pina-ayos ito ni nanay kase nga dito sila tumira for the past 3 years.”

Pumasok ang dalawa sa loob ng bahay at pinagmasdan maigi ito ni Willy, pilit inaalala ang mga nakaraan.

Malou: “Tuturo ko sayo kuwarto mo.”

Sumunod si Willy sa tiyahin habang buhat ang isang sports bag. May kalakihan ang bahay, maganda ang ayos at maluwang. Nakita ren niya ang fireplace na nuon ay nagtutusta sila ng marshmallow.

Malou: “Di ko pa kase nalilinis yung ibang guestroom kaya dito ka muna sa dating office ni tito ato mo. Meron dyan sofa na pwede gawing kama.”

Willy: “Ok lang yun tita at tulungan kita linisin ang mga kuwarto tutal kame naman gagamit nito.”

Malou: “Kelan ba pupunta ang mga barkada mo dito?”

Willy: “Baka next next week kase busy pa yung iba sa work.”

Leave a Reply