Tamis

Umabrisyeta siya sa aking braso pagkaupong pagka upo ko lamang. Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga na anyong bubulong. Bunga nito ay gumuhit ang isang kiliti mula tenga patungo sa aking puson ng sumayad ang kanyang mainit na paghinga sa pagitan ng pagbulog. “Kaya nga ako nakipagkita sa iyo para dito sa ating gagawin” ang ibunulong niya sa akin. Pakiramdam ko’y nag rerebolusyon ang aking alaga sa pagitan ng hita, wari bang rallyistang sisikilan ng karapatang makapagkampo sa mendiola ng langit.

Simbilis ng kidlat na lakas loob na niligon ko siya upang habulin ang kanyang puwestong pagbulong sa pag aasam na mahagip ng labi ko ang kanyang mga labi. Ako naman ay hindi nabigo, bagamat kimi ang pagdampi ng aming labi ay sapat para magningas ang mga pagnanasa na masasalamin sa aming mga mata makatapos maghiwalay ng aming labi mula sa saglit na pagtatagpo.

Napasulyap ako sa rear view ng taksi at kita kong nag mimiron ang driver. Ngisi ngising waring iniingit ko ang tsuper ng taksi ng lumingon sa direksyon ng bintana upang alamin ang aming lokasyon kung malapit na ba kami sa biglang liko. Muli pa’y nilingon ko si Sweet ng maramdaman kong humilig siya sa aking balikat. Naamoy ko ang samyo ng kanyang buhok at madiing pagdikit ng kanyang suso sa aking braso, lalo pa tuloy nagwelga ang aking alaga. Parang may sariling isip na kinausap ko ang aking alaga na maghinay hinay lang, at mamaya lamang ay mapapalaban na siya kung kaya’t maghanda ikako siya at huwag na huwag ako ipapahiya.

Isinara ko ang pinto ng kuwarto, pinagmasdan ko ang indak ng kanyang puwet sa pagkakatalikod niya habang papalapit siya ng kama. Kakagigil talaga si Sweet, ngayong naikulong ko na siya sa malamig na kuwartong ito ay wala ng makakapigil pa sa akin. Sa pagkakataong ito ay maaangkin ko na ang babaeng ilang linggo ng naglalaro sa aking balintataw.

Dali dali ko siyang sinagpang bago pa man siya umupo sa gilid ng kama, hinawakan ko siya sa kanyang bewang. Sa kanyang pagkakatalikod sa akin ay hinalikan ko na ang kanyang batok, pinagapang ko ang kumbinasyong paglabi at pagdila sa kanyang batok patungo sa pinaka puno ng kanyang tenga. Magkatuwang na hinagod ng aking mga kamay pabalik balik ang kurba ng katawan ni Sweet mula sa gilid ng suso niya papunta sa bewang . Hinapit ko ang kanyang bewang upang idiin ang kanyang matambok na puwit sa aking kargada, habang ang isa ko kamay ay naglakbay patungo sa kanyang tiyan. Lalo akong nalibugan ng masalat ko ang kanyang mumunting baby fats.

Napaungol siya sa aking introduksyon, kagat labi siyang napatingala sa kisame. “Ohhh… Lemm….” umuungol na wika niya. Habang ang isang kamay ko ay ipinadausdos ko na papunta sa pagitan ng kanyang nagtutumayog na dibdib. Magkatuwang muli kapwa mga kamay ko na isa isang kinalas ang butones ng kanyang blusa. Sa ibabaw ng kanyang bra ay sinaklob ng aking isang kamay ang katayugan ng kanyang suso at marahan ko itong pinisil pisil at nilamas. Hindi sapat ang aking palad para tuluyang sakupin ang kanyang bundok, sobrang nakakagigil ang kalambutan nito.